-- Advertisements --

Binigyang linaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na kasalukuyan pa rin ang ginagawang negosasyon ng Pilipinas sa US ukol sa ipinapataw na 19 percent na taripa.

Sinabi ni DTI Undersecretary Allan Gepty, na wala pang na-iimplementa dahil ito ay patuloy ang ginagawang negosasyon.

Dagdag pa ng opisyal na kahit na epektibo na ito noong Agosto 7 ay ang nasabing executive order ni inilabas ni US President Donald Trump ay ipinapatupad sa mga reciprocal tariff rate sa 69 na bansa.

Para sa Pilipinas ang reciprocal tariff ay 19 percent at kung hindi kasama sa 69 na bansa ang Pilipinas ay papatawan lamang ito ng 10 percent baseline na taripa.