-- Advertisements --

Nakatakdang magkaroon ng pag-uusap ang US at Ukraine para sa isinusulong ng ceasefire laban sa Russia.

Pangungunahin ni US special envoy Steve Witkoff at Ukraine national security council Rusterm Umerov ang pulong na gaganapin sa Miami.

Magugunitang unang nagtungo sa si Witkoff sa Russia kung saan nakausap niya ng mahigit limang oras si President Vladimir Putin para sa negosasyon.

Wala pang konkretong napag-usapan sa nasbing pulong kung saan may ilang bahagi ng ceasefire ang sinang-ayunan ng Russia.

Umaasa ang US na magkakaroon ng magandang resulta ang pagpupulong nila ng Ukraine.