-- Advertisements --

Lumagda ang Estados Unidos at Ukraine sa isang kasunduang nagbibigay ng access sa Washington sa rare earth minerals ng Kyiv, kapalit ng pagtatayo ng US investment fund sa Ukraine upang palakasin ang ekonomiyang apektado ng digmaan.

Kinumpirma ng US Treasury Department ang kasunduan nitong Miyerkules, kasabay ng pagtitiyak ng suporta ng administrasyong Trump sa kapayapaan at pagbangon ng Ukraine. Bahagi rin ito ng layunin ng US na tiyaking hindi makikinabang ang sinumang sumuporta sa agresyon ng Russia.

Ayon kay Ukrainian Economy Minister Yulia Svyrydenko, nananatili sa Ukraine ang buong kontrol at pagmamay-ari ng mga likas-yaman sa ilalim ng kasunduan kung saan ang subsoil resources ay malinaw na pag-aari ng estado.

Nilagdaan ang kasunduan matapos ang mga buwang negosasyon at naantala pa noong Pebrero nang hindi matuloy ang pagpirma sa Washington dahil sa tensyon sa Oval Office meeting nina Pangulong Zelensky at Trump.

Sinabi ni Us Pres Trump sa na mahalagang protektado ang interes ng US kapalit ng tulong sa Ukraine.

Mas mahalaga pa ito sa $350 bilyon, kaya gusto nitong siguraduhing hindi sila mapapahiya. Tinukoy din niyang mas malaki at mas malakas ang Russia, kaya mahalaga ang ganitong kasunduan.

Tinatayang mahigit $123 bilyon na ang kabuuang tulong ng US sa Ukraine mula nang salakayin ito ng Russia noong 2022. (report by Bombo Jai)