-- Advertisements --

Inilabas ng World Health Organization (WHO) ang bagong gabay sa balanced national policies para sa kontroladong mga gamot, na ipinakita sa Seventy-eighth World Health Assembly.

Layunin nitong gawing mas ligtas, patas, at abot-kaya ang access sa mga mahahalagang controlled medicines, na ginagamit sa paggamot ng matinding sakit, mga kondisyon sa kalusugang pangkaisipan, at iba pang seryosong sakit.

Bagamat mahalaga ang mga gamot sa medical processes, dapat itong gamitin nang may mahigpit na regulasyon upang maiwasan ang pag-abuso at pagkakaroon ng sakit na may kaugnayan sa droga.

Nahaharap sa malaking pagkakaiba sa akses ang maraming bansa, lalo na ang low- and middle-income countries (LMICs), kung saan milyun-milyong pasyente ang hindi nakakakuha ng kinakailangang gamot para sa kanilang kalagayan.

Ang bagong gabay ng WHO ay nagbibigay ng malinaw na plano para sa mga bansa upang mapanatili ang tamang paggamit ng kontroladong gamot habang pinoprotektahan ang mga indibidwal mula sa panganib ng maling paggamit.