Reading Time: 2 minutes
espino ambush

(Update) DAGUPAN CITY – Nilinaw ng PNP San Carlos, na isa pa lamang ang nasawi sa mga bodyguards ni dating Pangasinan 5th District Rep. Amado Espino Jr., matapos itong tambangan sa lungsod ng San Carlos sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa paglilinaw ng PNP sa pamamagitan ng kanilang hepe sa San Carlos City na si Lt. Col. Garie Noel Pascua, isa lang ang nasawi na natukoy na isang Staff Sgt Richard Esguerra taliwas sa unang lumabas na limang na ang napatay.

█ DATING CONG. AMADO ESPINO JR., INAMBUSH
█ PNP San Carlos, nilinaw na isa palamang ang patay sa mga bodyguard ni dating Cong. Espino
█ Dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr., nasa stable ng kalagayan matapos i-ambush ang convoy nito

Sinasabing si Esguerra ang siyang nagtamo ng pinakamalubhang pinsala at driver din ng sasasakyang Innova sa convoy.

Nabatid na si Espino ay lulan ng sasakyan nitong Land Cruiser nang mangyari ang insidente.

Nakilala naman ang isa pa sa mga bogyguard na si Aga Cuison, ang driver na nakapagtakbo sa dating kongresista sa pagamutan na ngayon ay nasa kritikal pa ring kondisyon.

Kabilang ito sa apat na bodyguards ng dati ring gobernador na patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Sinasabing hindi naman gaanong nagtamo ng malubhang pinsala si Espino matapos itong yakapin ng kaniyang mga bodyguard.

Una rito, lulan ng dalawang SUV ang mga suspek na magkahiwalay na tumakas matapos ang insidente sa bayan ng Basista at Malasiqui.

Isang SUV na kulay red naman ang inabandona sa karatig na Barangay Brgy. Kubol sa San Carlos na tadtad ng bala ng baril, gayundin at mga gloves.

Habang ang isa sa mga sasakyang ginamit ng suspek ay hindi pa rin natatagpuan.