Nagtala ng kasaysayan ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons.
Ito ay matapos talunin ang Ateneo de Manila University Blue Eagles sa overtime game, 72-69, sa Game 3 sa finals ng UAAP Season ’84.
Ito na ang pangatlong championship title ng UP mula pa noong 1986.
Napigilan din ng UP ang panibagong four-peat ng Ateneo.
Naipasok ni CJ Cansino ang three point na nagresulta sa 59-all sa pagtatapos ng regulation.
Pagpasok ng overtime ay mayroong 69-all sa natitirang 40 seconds hanggang naipasok ni JD Cagulangan ang huling three points nito.
Nagtala ng 17 points, siyam na rebounds at tatlong steals si Malick Diouf na siyang hinirang bilang Most Valuable Player ng finals series.
Nag-ambag naman ng 14 points si CJ Cansino at 13 points si Cagulangan.
Tanging ang UP lamang ang koponan na tumalo sa Ateneo sa elimination round.
Ito rin ang unang title sa seniors divisions ni coach Goldwin Monteverde.