Ikinalungkot ng United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees (UNRWA) na aabutin pa ng 15 taon bago tuluyang malinisan mula sa mga nasirang mga gusali ang Gaza dahil sa ginawang pag-atake ng Israel.
Ayon sa grupo na base sa datos ng UN Environment Programme na aabot sa 40 milyong tonelada ng mga durog ng mga bato at debris mula sa mga gusali ang kailangan na tanggalin.
Sa ginawang pagbisita rin ni Scott Anderson ang deputy humanitarian coordinator ng UNRWA sa Gaza labis itong nalungkot sa kalagayan ng mga Palesitno.
Sinabi not na siyam sa 10 mga katao sa Gaza ang nawalan ng tirahan at halos lahat sa mga ito ay sapilitang pinalikas.
Kada paglikas nila aniya ay nawawalan ang mga ito ng kanilang mga ari-arian.
Dahil dito ay patuloy ang kanilang panawagan sa Israel na itigil na ang pag-atake sa Gaza.