-- Advertisements --
Pinayuhan ng US Embassy ang mga American citizens na iwan ang mga lugar kung saan gaganapin ang Trillion Peso March.
Sa inilabas na advisory ng US Embassy na pinag-iingat nila ang mga mamamayan nila na baka magkaroon ng kaguluhan sa nasabing kilos protesta.
Binalaan din nila ang American Citizens na huwag lumahok sa kilos protesta dahil maikokonsidera itong paglabag sa kanilang immigration status.
Gaganapin ang nasabing pagtitipon sa EDSA People Power monument sa Quezon City at sa Luneta Park sa Maynila na mayroong 500 metro ang layo sa US Embassy.
















