-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na maghihigpit sila sa mga nagbebenta ng mga iligal na uri ng paputok.

Ayon kay acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio] Nartatez , inatasan na niya ang mga kapulisan sa buong bansa na magsagawa ng regular na inspeksyon sa mga lugar kung saan ibinebenta ang mga paputok.

Hinikayat din nito ang mga kapulisan na maging mapagmatyag dahil sa hindi lamang sa Bocaue, Bulacan maaaring mayroong pagawaan at bentahan ng mga paputok.

Mayroon na rin silang koordinasyon sa ibang mga ahensiya para agad na masawata ang iligal na nagbebenta ng mga paputok sa bansa.

Nanawagan din si Nartatez sa publiko na isuplong sa kanilang kapulisan ang sinumang nagbebenta ng iligal at hindi otorisadong uri ng paputok.