-- Advertisements --

Isinampa ng Office of the Ombudsman ang unang batch ng kaso laban kina dating Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co at ilang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na may kinalaman sa maanomalyang flood control projects sa Oriental Mindoro.

Pinangunahan ni Assistant Ombudsman Mico Clavano ang pagsampa ng kaso sa Sandiganbayan.

Sinabi nito na ang kaso ay base sa referral mula sa pag-iimbestiga ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na may kinalaman sa mga proyekto ng DPWH Region IV-B sa pamamagitan ng Sunwest, Inc.

Ang mga DPWH officials ay mula sa Regional director hanggang chiefs ng quality assurance, maintenance.

Nahaharap ang mga ito sa mga kasong malversation of public funds sa pamamagitan ng falsification of public documents at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.