-- Advertisements --

Hinikayat ni United Nation Secretary General Antonio Guterres ang mga bansa na magsagawa ng vaccination plan laban sa COVID-19.

Sa kaniyang talumpati sa special Security Council session na mayroong 10 bansa lamang ang nagsimula na ng pagbabakuna kung saan nasa 75 percent na sila sa kanilang vaccination plan.

Habang ang 130 bansa na ay hindi na nakakapagsimula ng pagbabakuna.

Nagbabala ito na ang hindi pantay-pantay na pagkakaroon ng bakuna ay labis na makakaapekto sa ekonomiya at kalusugan sa buong mundo.