-- Advertisements --

Nagpatayo ang North Korea ng isang sekretong military base malapit sa border ng China na posibleng paglagyan ng pinakabagong long-range ballistic missiles (ICBM) ng naturang authoritarian country.

Base sa inilathalang report, ang “undeclared” Sinpung-dong Missile Operating base ay itinayo 27 kilometers o 17 miles mula sa Chiense frontier, ang Center for Strategic and International Studies (CSIS).

Ang naturang pasilidad sa North Pyongan Province ay maaaring makapag-imbak ng anim hanggang sa siyam na nuclear-capable intercontinental ballistic missiles at kanilang launchers.

Nakasaad din sa report na maaaring magdulot ang naturang weapons ng nuclear threat sa East Asia at continental United States.

Ayon sa report, ang naturang military base ng NoKor ay isa sa 15 hanggang 20 ballistic missile bases, maintenance, support, missile, storage at warhead storage facilities na hindi idineklara ng North Korea.

Matatandaan, puspusan ang ginagawang pagpapalakas pa ng NoKor sa kanilang nuclear weapons program sumula nang mabigo ang summit kasama ang Amerika noong 2019 at ang kamakailang panawagan ni NoKor leader Kim Jong Un para sa rapid expansion pa ng kanilang nuclear capability.