-- Advertisements --

Inilabas na ng JBC o Judicial and Bar Council ang listahan ng mga aplikante sa posisyon pagka-Ombudsman.

Kung saan kanilang isinapubliko na ang mga indibidwal na nais maupo o mapili na mahirang sa naturang posisyon.

Kabilang sa listahang ito ay sina:

  • – Michael Aguinaldo
  • – Romeo Benitez
  • – Jonie Caroche-Vestido
  • – Bautista Corpin Jr
  • – Geraldine Faith Econg
  • – Stephen Cruz
  • – Beda Epres
  • – Samuel Gaerlan
  • – Kim Jacinto-Henares
  • – Anna Liza Logan
  • – Mario Lopez
  • – Melvin Matibag
  • – Michael Frederick Musngi
  • – Judge Felix Reyes
  • – Jason Rodenas
  • – Benjamin Turgano
  • – Jesus Crispin Remulla

Bunsod nito’y nasa listahan o kasama pa rin ang kasalukuyang kalihim ng Department of Justice na si Secretary Jesus Crispin Remulla.

Na maaalalang napabalita na nadiskwalipika umano ang kanyang aplikasyon dahil sa ‘pending case’ sa Ombudsman.

Habang kasabay naman nito ay inilabas at inanunsyo na rin ng Judicial and Bar Council ang skedyul ng public interview para sa mga Ombudsman applicants.

Isasagawa at sisimulan ito ngayong buwan ng Agosto particular sa ika-28 at 29 na magtutuloy sa ika-1 at 2 ng Setyembre.