-- Advertisements --

Opisyal na nakabalik bilang National Ambassador ng United Nations ang actress na si KC Concepcion.

Ibinahagi ng actress ang larawan sa kaniyang social media ang pagtanggap niya ng certification bilang National Ambassador Against Hunger for the United Nations World Food Programme (WFP).

Una siyang naging ambassador sa parehas na puwesto noong 2008.

Sumasama ang actress sa mga pagbibigay tulong sa mga nasasalanta ng bagyo at lindol na nangyari noong sa Nepal sa taong 2015.