-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang isang menor de edad matapos nag ala-superman at bumangga sa kotse at pader ng isang bakanteng bahay sa Barangay Bil-loca sa lungsod ng Batac dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Ayon kay P/Capt. Angeline Aguinaldo, Deputy Chief of Police ng Batac City Police Station, ang biktima ay isang meat vendor at residente ng Barangay Patong, Magsingal, Ilocos Sur.

Batay sa imbstigasyon ng mga awtoridad, habang binabaybay ng driver ng Suzuki Raider 150 motorcycle ang northbound ay bigla itong nawalan ng kontrol sa manibela.

Dahil dito, bumangga ang nakamotorsiklo sa nakaparadang sasakyan hanggang sa tumama ito sa pader ng isang bakanteng bahay.

Aniya, nagtamo ng malalang sugat ang biktima pangunahin sa kanyang ulo dahil hindi ito nakasuot ng protective helmet nang nangyari ang aksidente.

Kaugnay nito, sinabi ni P/Capt. Aguinaldo na isinugod ang biktima sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa lungsod ng Batac ngunit idineklara itong dead on arrival.

Dagdag pa nito, lasing ang biktima matapos itong tumakas para makipag-inuman kasama ang kanyang mga kaibigan.