-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa Gaza si US special envoy to the Middle East Steve Witkoff sa araw ng Sabado Agosto 2.
Ang nasabing pagbisita ay kasunod ng matagumpay nitong pakikipagpulong kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Ayon kay White House Press Secretary Karoline Leavitt na magsasagawa ng inspection si Witkoff sa mga nagaganap na distribution site ng mga tulong sa Gaza.
Magsasagawa rin ito ng pagbibigay ng tulong sa mga residente ng Gaza.
Una rito ay ilang mga bansa na kaalyado ng US na kinabibilangan ng Canada at Portugal ay ikinokonsiderang kilalanin ang Palestinian state.
Magugunitang hindi nagkasundo ang Hamas at Israel sa ceasefire deal na isinusulong ng US.