-- Advertisements --

Ibinunyag ni British Prime Minister Keir Starmer na nakatakda nilang kilalanin ang Palestinian state sa buwan ng Setyembre.

Ito ay kapag hindi tumigil ang Israel sa pag-atake sa Gaza.

Sinabi ni Starmer na isasagawa ang nasabing pagkilala bago ang gagawing United Nations General Assembly.

Ilan sa mga inilatag ni Starmer ay dapat ay tumugon na ang Israel sa ceasefire at wala ng magaganap na pagsakop nito sa West Bank.

Mananatili pa rin aniya ang kanilang hiling sa Hamas na dapat ay mapalaya na ang mga hostages.

Magugunitang makailang ulit ng nananwagan ang maraming bansa na dapat ay tumugon na ang Israel at Hamas sa ceasefire dahil sa patuloy na pagdami ng mga nasasawi.