-- Advertisements --

Iniulat ng UN Palestinian Refugee Agency ang umano’y hindi pagkakapasok ng libo-libong mga truck sa Gaza Strip na naglalaman ng supplies para sa mga biktima ng Israel-Palestine war.

Ayon sa naturang ahensiya, halos tatlong libong aid truck ang ang nakalinya sa Gaza border ang hindi makapasok sa naturang lugar dahil sa dalawang buwan na blockade na unang ipinataw ng Israel.

Dahil dito, sinabi ng UN agency na lalo pang lumala ang kagutuman sa naturang lugar, kung saan marami sa mga bata, nakakatanda, at mga kababaihan ang labis na apektado.

Ang dalawang buwan na blockade ay ang pinakahamahabang closure na nangyari sa Gaza Strip mula noong magsimula ang labanan ng Israel at Palestine, ilang taon na ang nakakalipas.

Nitong nakalipas na araw, kasabay ng nagpapatuloy na blockade ay itinuloy din umano ng Israel ang pambobomba sa ilang bahagi ng Gaza tulad ng Deir el-Balah at al-Mawasi, dalawang lugar sa timog na bahagi ng Strip.

Batay sa report ng Israel, umabot na sa 52,400 Palestinian ang nasawi mula noong magsimula ang naturang giyera, habang libo-libong katao ang patuloy ding pinaghahanap sa ilalim ng mga debris ng mga gusaling gumuho dahil sa mga serye ng pambobomba.