-- Advertisements --

Iminungkahi ng kilalang ekonomista na si Prof. Emmanuel “Noel” Leyco sa gobyerno ng pagtuunan ng pansin ang pag-umento sa sahod ng mga manggagawa.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Leyco, kanyang binigyang diin ang kahalagahan ng pagtataas ng sahod sapagkat patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin para na rin makasabay ang mga manggagawa sa pagbili ng mga bagay na kailangan nila araw-araw.

Gayunman, aminado ito na mahirap din balansehin ang wage hike lalo na at merong mga negosyo na hindi ito kakayanin.

Naniniwala rin naman si Prof. Leyco na mahalaga rin na bigyan ng suporta mula sa gobyerno sa pamamagitan ng mga subsidy ang mga maliliit na negosyante sapagkat isa rin sila sa pangunahing maaapektuhan ng umento sa sahod.

Dagdag pa nya, kailangang bigyan ng tax break ang mga maliliit ng negosyante katulad ng ginagawa ng pamahalaan sa mga bagong negosyante para mahikayat na mamuhunan sa ating bansa para makasabay sila sa pagtaas ng sahod ng mga manggagawa. (with reports from Bombo Victor Llantino)