-- Advertisements --

Nagbabala si Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei na handa ang Iran na tumugon sa anumang bagong opensiba laban sa bansa, kasunod ng 12-araw na digmaan sa pagitan ng Iran at Israel.

Nagbabala si Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khmaenei na handa umano silang gumanti sa anumang bagong opensiba na ginagawa sa bansa.

Sa kanyang talumpati na ipinalabas sa state TV, pinuri ni Khamenei ang tapang ng bansa laban sa U.S. at Israel, na tinawag niyang tuta ng Amerika.

Kasunod parin ito ng mga serye ng mga pambobomba ng Estados Unidos at Israel sa tatlong nuclear facility ng Iran na ayon kay Trump lubhang naapektuhan.

Ayon kay Khamenei, mas matinding pinsala pa ang kayang gagawin kung kinakailangan.

‘In both the diplomatic and military fields, whenever we enter the stage we do so with our hands full and not from a position of weakness,’ pahayag ni Khamenei.

Samantala, umiigting ang pressure mula sa Estados Unidos at mga bansa sa Europe na muling simulan ang nuclear talks bago magtapos ang Agosto kung saan una nang iminungkahi ng France na maaaring ibalik ang mga pandaigdigang parusa kung walang kasunduang mararating.