Emosyonal na humingi ng paumanhin sa pamilya Demafelis ang umano’y recruiter ni Joanna Demafelis na si Agnes Tubales na tiyahin ni Joana.

Sa pagharap ni Tubales sa mga miyembro ng media kanina, inamin nito na siya ay nagi-guilty sa nangyari kay Joanna na hindi niya inakala na sa freezer makikita ang bangkay nito.

Plano din niya na personal na makipagkita at humingi ng paumanhin sa Demafelis family kaugnay sa nangyari.

Giit nito na walang may gusto na mangyari kay Joanna na naging masaklap ang kamatayan nito.

Ito ang kauna-unahang insidente na may nasawi sa mga ni-refer niya na mga nagnais mangibang-bansa.

Aniya, marami na rin siyang nai-refer na mga aplikante pero wala naman siyang nabalitaan na nasa peligro ang buhay.