-- Advertisements --

Hindi kumbinsido si Albay Rep. Edcel Lagman na matutuloy ang sinasabing coup d’etat sa Speakership post sa nalalapit na pagbubukas ng 18th Congress.

Ayon kay Lagman, malabong mangyari ang sinasabing kudeta sa Kamara para patalsikin ang posibleng iluklok bilang Speaker na si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano dahil pawang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng supermajoroity coalition.

Iginiit ng kongresista na magkaiba ang sinapit ni dating Speaker Pantaleon Alvarez noong nakaraang taon dahil ito ay maituturing na mutiny at hindi coup.

Para kay Lagman, ang kasalukuyang sitwasyon ay resulta lamang ng pag-aagawan sa posisyon kung sino ang uupo bilang mga Deputy Speakers, Committee Chairmen, Vice Chairmen, at ranking members.

Samantala, dahil maayos na ang gusot sa posisyon ng Speaker at Majority Leader, marapat lamang aniya na tutukan na rin ang pagkakaroon naman ng authentic Minority Leadership.