-- Advertisements --

Pinangunahan ni Kawhi Leonard ang Los Angeles Clippers sa kanilang 103-88 panalo laban sa Los Angeles Lakers, matapos makapuntos ng 32 points at 12 rebounds.

Nag-ambag naman si James Harden ng 21 points at 10 assists.

Habang ang Lakers ay kulang sa ilang manlalaro kabilang sina Deandre Ayton, Rui Hachimura, at Austin Reaves, habang hindi na natapos ni Luka Doncic ang laro sa halftime dahil sa natamong injury.

Sa kabila nito, nakapuntos naman si LeBron James ng season-high na 36 points.

Nagdagdag rin sina John Collins at Brook Lopez sa rebound at opensa, habang pinanatili ng koponan ang kalamangan mula sa simula hanggang katapusan ng laro.

Pinanatili ng Clippers ang kanilang double-digit lead sa third quarter at pinutol ang five-game overall losing streak matapos ang late run ng Lakers sa fourth quarter.