Nanaig ang Los Angeles Clippers sa overtime game kontra Toronto Raptors, kasunod ng matagumpay na comeback effort ng una, 121-117.
Hinabol ng Clippers ang 11-point 3rd quarter deficit at ipinoste ang 31-20 run sa buong 4th quarter, at dinala sa all-109 ang score sa pagtatapos ng regulation.
Dala ang momentum, agad dinomina ng Clippers ang 5-min overtime, at tinapos ang laro sa 121-117, sa pangunguna ni James Harden na kumamada ng 31 points, sampung assists, isang block, at isang steal.
Ang matagumpay na comeback effort ay dala na rin ng mahigpit na depensa ng Clippers, lalo na sa clutch time kung saan pinuwersa nito ang Raptors na gumawa ng sunod-sunod na turnover sa loob ng ilang minuto.
Sa kabuuan, nairehistro ng Clippers ang 12 steals, at pinuwersa ang Toronto na gumawa ng 18 turnovers.
Samantala, sa kabila ng pagkatalo ay naipakita ng Raptors ang impresibong performance tulad ng magandang team work. Nagawa pa ng koponan na magpasok ng 23 fast break points habang tanging 13 points lamang ang naging kasagutan ng kalabang team.
Sa siyam na players ng koponan na naglaro laban sa Clippers, dalawa lamang sa kanila ang hindi nakapagbulsa ng double-digit scores, ngunit sa huli ay nanaig ang mga batikang players ng Los Angeles para ibulsa ang 4-point win.
Nananatili namang below .500 ang Clippers sa kartada nitong 18-23 habang hawak naman ng Raptors ang 25-18 win-loss record.
















