-- Advertisements --
Pumanaw na si dating Los Angeles Lakers star Elden Campbell sa edad na 57.
Kinumpirma ito ng kaniyang kaanak subalit hindi nagbigay pa ng ibang detalye sa kamatayan nito.
Ang 6’11” center ay naglaro sa Lakers sa loob ng 15 taon.
Unang na-draft siya ng Lakers sa first round noong 1990 kung saan nakasama niya sa koponan sina Kobe Bryant at Shaquille O’Neal.
Mayroong average ito an 15 points per game sa 1996-1997 season.
Taong 1999 ay nai-trade siya sa Charlotte Hornets kung saan nakagawa rin ito ng mga matataas na puntos.
Nagwagi ito ng championship noong ito ay nasa Detroit Pistons sa taong 2004 ng talunin nila ang Lakers sa NBA Finals.
Nakapaglaro din si Campbell sa New Jersey Nets, Seattle SuperSonics at New Orleans Hornets.
















