-- Advertisements --

Dinaluhan ng maraming mga Katoliko ang Simbang Gabi sa United Arab Emirates na pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle.

Nanguna si Tagle sa misa sa kapasidad niya bilang Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization – Section for the First Evangelization and the New Particular Churches.

Nasa UAE si Tagle para sa pastoral visit sa Apostolic Vicariate ng Southern Saudi.

Sa kaniyang Homily ay sumentro ang pagyakap ni Hesus sa mga mahihina at maraming pagkukulang.

Malapit ito sa mga makasalanan dahil sa ang mga ninuno nito ay makasalanan din.