-- Advertisements --

Hinimok ni Senate Finance Committee Chair Sen. Sherwin Gatchalian ang Department of Health (DOH) na ipatupad ang lahat ng programa ng ahensya, kasunod ng paglalaan ng pondo ng Kongreso para sa 2026, kabilang ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at zero balance billing.

Ayon kay DOH spokesperson Albert Domingo, maaari ring magbigay ng oversight ang mga mambabatas sa implementasyon ng mga proyekto.

Sa kabilang bansa pareho namang inanyayahan nina Gatchalian at Domingo ang mga health advocates na makilahok sa talakayan upang mapabuti ang healthcare system ng bansa.

Magugunita na natapos ang bicameral talks sa 2026 national budget nitong Huwebes ng umaga matapos ang apat na araw na deliberasyon, kung saan target ng Kongreso na aprubahan ito bago mag-Disyembre 29.