-- Advertisements --

Magpapakalat ang Department of Health (DOH) ng humigit-kumulang 200 health emergency management personnel mula sa iba’t ibang DOH hospitals para sa Traslacion ng Jesus Nazareno ngayong 2026.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, magtatayo ng mga first aid tent at medical station sa kahabaan ng ruta upang agad na matulungan ang mga debotong mahihimatay o mangangailangan ng agarang lunas. Inamin din niya na mahihirapang makagalaw ang mga ambulansya kapag nagsimula na ang prusisyon.

Ipinaliwanag ni Herbosa na dadalhin muna ang mga pasyente sa mga itinalagang tent o station, saka ililipat sa evacuation room bago isugod sa ospital kung kinakailangan.

Pinayuhan din ng DOH ang mga deboto na maghanda sa mahabang at pisikal na mabigat na prusisyon, kabilang ang pagdadala ng sariling gamot, tubig, at komportableng damit, pati na rin ng ID para sa mabilis na pagkakakilanlan sakaling may mangyaring emerhensiya. (report by Bombo Jai )