-- Advertisements --
Dumating na dito sa Metro Manila ang labi ni dating DPWH Usec. Maria Catalina Cabral.
Batay sa ulat pasado alas-3:00 ng madaling araw kanina ng dumating ito.
Sa ngayon hindi pa sinasabi kung saan ibuburol ang labi ni Cabral.
Kahapon kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na ang cadaver ng isang babae na natagpuan sa Tuba, Benguet ay kay Cabral batay sa resulta ng DNA at fingerprints.
Inihayag din ni Remula na batay sa autopsy walang indikasyon na nagkaroon ng foul play.
Ang pagkamatay ni Cabral ay kumukuha ng atensiyon dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay sa flood control project anomaly.
















