Tinawag na fake news ng Malakanyang ang mga nagsilabasang ulat na inisnab ni US President Donald Trump si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng magkita ang dalawa sa libing ni Pope Francis sa Vatican nitong Sabado.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro batay sa mga nakuhang video at larawan walang isnaban ang nangyari.
Ang pahayag ni Castro ay kasunod sa mga kumakalat na ulat na inisnab ni Trump si Pangulong Marcos.
Makikita sa larawan na nagkaroon ng maikling pag-uusap si Trump at Pangulong Marcos.
Naglabas din ng larawan ang Presidential Communications Office ng larawan bilang patunay na nagkaroon ng maikling pag-uusap sina Trump at Pang. Marcos.
Gayunpaman sinabi ni Castro na hindi pa nila batid kung ano ang napag-usapan ng dalawang lider.
Sinabi ni Castro na aalamin niya ang detalye ukol dito kapag nagka-usap na sila ni Pangulong Marcos.
Bukod kay Trump nakita din na nagkaroon din ng maikling pag-uusap si Pang. Marcos kay dating US President Joe Biden.
Ngayong araw ang dating ng Pangulo at First Lady Liza Marcos matapos silang dumalo sa libing ni Pope Francis sa Vatican nuong Sabado.
Hindi rin masabi ng ni USec. Castro kung may naging ibang aktibad ang Pangulo habang ito ay nasa Roma.