Mas malalakas pang ulan ang aasahan kahit makalayo na ang dalawang bagyo sa paligid ng Pilipinas.
Ayon sa ulat ng Pagasa, ang unang bagyo na may pangalang Fabian ay nasa loob pa ng Philippine area of responsibility (PAR).
Habang ang ikalawa ay nanatili sa kanlurang bahagi ng extreme Northern Luzon.
Pero habang papalayo ang dalawang sama ng panahon, lumalakas din naman ang hangin, pati na ang paghatak sa umiiral na habagat.
Ang bagyong Fabian ngayon ay nasa severe tropical storm category na at taglay ang lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.
Habang ang isa pang sama ng panahon na nasa kanlurang bahagi ng bansa ay isa nang tropical storm, kung saan taglay nito ang 75 kph at may pagbugsong 90 kph.
Dahil sa dalawang bagyo, lalo pang lumakas ang habagat.
Kaya naman, paghandaan na umano ang mas maulang panahon sa malaking parte ng bansa sa mga susunod na araw.