-- Advertisements --

Nagsagawa ng Taiwan ng pinakamalaking civil defense exercises laban sa posibleng pag-atake ng China.

Isinabay ito sa ginagawang malaking war games ng Taiwan o tinatawag nilang taunang Han Kuang exercise.

Pagkatunog ng sirena ay agad na nagtakbuhan ang mga tao sa loob ng mga gusali at maging ang mga sasakyan ay inihinto.

Bahagi ito ng mas pinaigting ng Taiwan na exercise sakaling ipagpatuloy ng China ang paglusob.

Iginigiit kasi ng China na bahagi pa rin nila isla ng Taiwan.

Mas lumala ang tensiyon ng mahalal bilang pangulo ng Taiwan si William Lai na itinuturing ng China bilang “separatist”.