Ibinunyag ng White House na na-diagnosed ng chronic venous insufficiency si US President Donald Trump.
Ayon kay press secretary Karoline Leavitt na nakadama ng pamamaga sa kaniyang binti ang US president kaya ito ay sinuri ng kaniyagn doctor na si Capt. Sean Barbella.
Isinagawa ng doctor ang bilateral lower extremity venous doppler ulrasounds at lumabas ang chronic venous insufficiency sa 79-anyos na US President.
Paliwanag pa ng doctor na ang nasabing sakit ay normal lamang sa mga taong may edad 70-pataas.
Paglilinaw naman ni Leavitt na lahat ng mga laboratory test ng US President ay nasa normal limits lamang at walang ebidensya ng pagkakaroon ng malalimang vein trombosis o arterial disease.
Ang Chronic venous insufficiency ay kondisyon kung saan ang valves sa loob ng ugat ay hindi na gumagana na siyang nagiging sanhi ng hindi paggalaw ng dugo.
Tinatayang nasa 150,000 katao sa buong mundo kada taon ang nadadapuan ng nasabing sakit kung saan ang sintomas nito ay kinabibilangan ng pamamaga sa ibabang bahagi ng binti o ankles, pananakit o pamumulikat sa hita, varicose veins, pananakit sa balat.
Maari naman itong dumaan sa gamutan kapag lumala na ang nasabing sintomas.
Paglilinaw naman ni press secretary na ang nakitang galos sa likod ng kamay ng US President ay bunsod ng kaniyang palagiang pakikipagkamay at paggamit ng aspirin.