-- Advertisements --

Nakasama sa listahan ng pinakamagandang dagat ang White Beach ng Boracay.

Ito ay base sa Big 7 Travel na isang travel platform na nakabase sa United Kingdom kung saan ang nasabing nasa pang-10 puwesto ang White Beach ng Boracay.

Inilarawan ng Big 7 na ang White Beach ay may kakaibang puting buhangin ganun ang classic na backdrop ng palm trees at kaunting kagubatan.

Nanguna naman sa listahan ng kumpanya ang Whiteaven Beach sa Australia.

Noong 2022 ay nasa pangalawang puwesto ng Big 7 ang Boracay bilang “most Instagrammable place sa buong mundo.

Taong 2020 din ng isinama ng UK-based website ang Boracay sa listahan ng 50-most beautiful places sa buong mundo.