Niyanig ng malakas na pagsabog nitong New Year’s eve ang mga Ukrainians kung saan nakapagtala ng isang nasawi, 20 kataong sugatan at pagkasira ng mga hotel.
Maraming sumunod na mga pagsabog sa Kyiv, kapital ng Ukraine dala ng missiles na pinakawalan ng Russia at ito ang naging pagsalubong ng Ukrainians sa bagong taon.
Kasama sa mga nasugatan ay ang Japanese journalist na si Klitschko, agad namang rumesponde ang emergency workers ng Ukraine sa iba’t ibang distrito na tinamaan ng pagsabog.
Sinabi ni Ukraine President Volodymyr Zelensky, target talaga ng Russia na maglunsad ng mga pag-aatake upang maging madilim ang selebrasyon ng bagong taon ng mga Ukrainians.
Base naman sa armed forces ng Ukraine, na pinangungunahan ni Valerii Zalunzhny, tinamaan ng air defences nila ang 12 sa 20 na russian cruise missiles.
Nagsimula ang pag atake noong pangunahan ni Russian President Vladimir Puti ang isang rally kasama ang Russian troops.
“Your leader wants to show you that he’s leading from the front, and his military is behind him, but in fact he is hiding. He’s hiding behind you, and he’s burning your country and your future,” pahayag naman ni President Zelensky.
Matatandaan na target ng Russia ang energy sector ng Ukraine, sinisira ang power stations upang mas maging madilim ang bansa sa gitna ng malamig na temperatura.