-- Advertisements --

Plano ng Ukraine na maglatag ng panibagong peace talks sa Ukraine sa mga susunod na araw.

Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky, na sa mga susunod na araw ay ipinanukala nila ang usaping pangkapayapaan sa panig naman ng Russia.

Ang nagdaang dalawang pag-uusap kasi na isinagawa sa Istanbul, Turkey ay nabigong matapos sa ceasefire.

Muling iginiit ni Zelensky na handa na itong makipag-usap ng harap-harapan kay Russian President Vladimir Putin.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay inilatag ng Russia ang ilang mga kondisyon gaya ng pag-alis ng Ukraine sa mga teritoryo at hindi dapat tumanggap ng tulong ang Ukraine mula sa iba’t-ibang mga bansa.

Una ng sinabi rin ng Russia na handa rin ito ng makipag-usap sa Ukraine matapos na bigyan sila ni US President Donald Trump ng 50 araw para magsagawa ng pag-uusap at kung hindi matuloy ay papatawan sila ng mas mabigat ng parusa.