-- Advertisements --

Hinihintay pa ng Ukrainian government ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa hiling nila na makausap sa telepono ni President Volodymyr Zelensky.

Sinabi ni Denys Mykhailiuk, ang Chargé d’affaires ng Ukrainian Embassy sa Malaysia, na noong Hunyo pa sila nagbigay ng sulat sa pangulo para sila ay magkausap.

Sakop kasi ng Ukrainian Embassy sa Malaysia ang Pilipinas at umaasa sila na tumugon na dito si Pangulong Marcos.

Paglilinaw nila na nais nilang maging co-sponsor ang Pilipinas sa peace plan ng Ukraine para makamit ang kanilang mithiin.

Magugunitang nanawagan si Marcos ng pagtatapos na ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.