-- Advertisements --

Hawak na ng mga otoridad ang suspek sa pamamaril kay Charlie Kirk.

Kinumpirma ni FBI Director Kash Patel ang pagkustodiya nila sa suspek na si Tyler Robinson.

Kung ano yung kaniyang suot sa pamamaril ay ganun din ang kaniyang kasuot noong ito ay naaresto.

Inihayag din ni Utah governor Spenser Cox na hindi estudyante ng Utah Valley University ang 22-anyos na suspek.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung anong motibo ng suspek sa nasabing pamamaril.

Itinuturing ni Cox na ang papatay kay Kirk ay siang pag-atake sa kanilang lahat.

Dagdag pa nito na si Kirk ay pinatay habang isinusulong ang freedom of expression na mas mahirap para sa mga tao na hindi na sila kayang magbahagi ng kanilang ideas at magsalita ng malaya.