-- Advertisements --

Pinayagan na ng korte sa Manila na makapaghain ng piyansa si dating Negros Oriental representative Arnolfo Teves.

Subalit hindi pa ito makakalaya dahil sa may ilang mga nakabinbin na kaso ito.

Ibinahagi ng kaniyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio ang 29-pahinang desisyon ni Judge Renato Enciso ng Manila Regional Trial Court Branch 12.

Nakasaad sa desisyon na pinagbabayad siya ng halagang P120,000 bilang piyansa.

Ang nasabing desisyon ay sa kasong pagpatay kay Lester Bato ang bodyguard ng tumatakbong alkalde noong 2019.

Nakabinbin pa ang kasong pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong 2023.