-- Advertisements --

Humarap ngayong araw sa panibagong pagdinig sa korte si Negros Oriental Representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. kaugnay sa mga kaso nitong kinasasangkutan.

Kung saan dinaluhan ng dating kongresista ang nakatakdang ‘pre-trial’ sa Manila Regional Trial Court Branch 12 sa tatlong ‘criminal cases’ isinampa laban sa kanya.

Dito niya hinarap ang dalawang bilang ng kasong pagpatay kasama ang isa pang bilang ng illegal possession of firearms.

Bagama’t hindi nakadalo ng aktwal ang dating mambabatas, kanya namang iprinesenta ang sarili sa pamamagitan ng ‘online video conferencing’.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng dating kongresista, nakatakda ang kasunod na pagdinig sa ika-apat ng Agosto.