Nakatakdang muling humarap sa isang panibagong ‘arraignment’ si dating Negros Oriental Representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. ukol sa kaso pa nitong kinasasangkutan.
Sa inilabas na dokumento ng Manila Regional Trial Court Branch 15 na ibinahagi ng kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio, nakasaad dito ang isa pang skedyul ng pagbasa ng sakdal sa kanyang kliyente.
Una ito sanang nakatakda noong Hunyo 9, 2025 ngunit ito’y inilipat sa darating na Hunyo 19, ng kasalukuyang taon sa ganap na 8:30 ng umaga.
Sinasabing isinagawa ang pag-reschedule ng arraignment dahil sa ‘unavailable’ ang mga witnesses ng prosekusyon sa nakaraang petsa na itinakda.
Inaasahan na kakaharapin dito ng dating kongresista ang kasong may kaugnayan sa pagpatay o ‘murder’ kasama ang ilan pang mga kapwa akusado.