Pacquiao vs Ugas ring
-- Advertisements --

Hindi na pinatulan pa ni Cuban boxer Yordenis Ugas ang naging pahayag ni Filipino boxer Manny Pacquiao na siya ang pinakamadaling nakalaban nito sa kaniyang career.

Ayon sa 35-anyos na boksingero na malaki ang respeto niya sa fighting senator.

Anumang sabihin laban sa kaniya aniya ay kaniyang irerespeto.

Magugunitang tinalo ni Ugas si Pacquiao para mapanatili ang WBA welterweight title.

Handa umanong tanggapin ni Ugas kung sakaling sila ay mag-rematch.

-- Advertisement --