Kinumpirma ni World Boxing Council (WBC) president Mauricio Sulaiman ang mulang paglaban ni retired Pinoy boxer Manny Pacquiao.
Sinabi nito na makakaharap ng dating eight world division boxing champion si Mario Barrios para sa WBC welterweight title sa buwan ng Hulyo.
Noong nakaraang taon pa ng lumabas ang usapan na nagkakaroon na ng negosasyon sa pagharap ng dalawang boksingero kung san hindi natupad ang laban.
Noong Agosto 2021 ang huling laban ni Pacquiao kung saan tinalo siya ni Yordenis Ugas ng Cuba at ilang buwan pagkatapos noon ay inanunsiyo niya ang pagreretiro.
Lumaban pa siya sa Saitama, Japan ng three-round exhibition fight laban kay Japanese kickboxer at mixed martial artist na si Rukiya Anpo noong nakaraang taon.
Ang 29-anyos na si Barrios ay may taas na 6 foot at ito ay may record na 29 panalo, dalawang talo at isang draw na may 18 knockouts at nakuha nito ang WBC interim welterweight title ng talunin si Ugas sa pamamagitan ng unanimous decision noong Setyembre 2023.
Naging full-pledge WBC champion siya noong Hunyo 2024 ng nagdagdag ng weight division si Terence Crawford.