-- Advertisements --

Nagpaabot ng pasasalamat si Bagong Pilipinas senatorial candidate Manny Pacquiao sa lahat ng sumuporta sa kanyang pangangampanya sa tangka nitong pagbabalik sa Senado.

Pinasalamatan rin nito ang lahat ng mga botanteng Pilipino na hindi bumoto sa kanya.

Ayon kay Pacquiao , malaki ang naitulong ng mga ito lalo na sa pagpapalakas ng demokrasya sa bansa.

Nangako rin ito na magpapatuloy ang pagbibigay niya ng serbisyo sa lahat ng Pilipino kahit wala siya sa pwesto.

Nagsilbi si Pacquiao bilang senador mula taong 2016 hanggang 2022.

Pinag-uusapan naman ang magiging laban nito sa Hulyo sa boxing kontra sa isang Mexican boxer .