-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US President Donald Trump na magkakaroon ng Ultimate Fighting Championship (UFC) sa White House.

Isasabay ito sa ika-80 taon ni Trump sa Hunyo 14 ng susunod na taon.

Isinagawa ni Trump ang anunsiyo sa harap ng mga Navy sailor sa Norfolk naval base sa Virginia.

Una ng sinabi ni UFC boss Dana White ang plano nilang magsagawa ng mixed martial arts sa White House sa Hulyo 4 sa susunod na taon ang ika-250 anibersaryo ng US.

Regular na guest si Trump sa UFC fighter kung saan binibigyan pa siya ng pagkilala ng ilang mga MMA fighters.