Patuloy na iginigiit ng Udenna Corporation na legal ang pagkuha nila ng shares sa Malampaya gas field project.
Ayon kay Atty. Raymond Zorilla, tagapagsalita ng Udenna na pag-aari ng bilyonaryong is Dennis Uy, na ang paglipat ng shares ng Chevron at Shell sa kanilang kumpanya ay dumaan sa tamang bidding.
Hindi na aniya kailangan ng batas para sa approval ng transfer of shares ng kumpanya para sa kapakanan ng Malampaya.
Paglilinaw din nito na kaya nakuha ng Udenna ang deal dahil sa ito ay kuwalipikado na maging shareholder.
Iginiit nito na ang tila napupulitika na ang isyu ng Malampaya at maraming mga pulitiko na ang sumasakay sa nasabing usapin.
Magugunitang nabili ng Udenna ang 45 percent shares ng Chevron na nagkakahalaga ng $565 milyon habang ang Shell ay 45 percent stakes sa halagang $450 milyon.
Dahil sa nasabing kasunduan ay sinampahan ng graft sina Uy at si Department of Energy Secretary Alfonso Cusi.