-- Advertisements --

Tiniyak ni Metropolitan Manila Development Authority Special Clearing Operations Group Chief Gabriel Go na hindi kailanman naging target ng kanilang mga operasyon sa paglilinis ang mga maliliit na negosyo na nagtitinda sa mga bangketa.

Ginawa ni Go ang pahayag bilang direktang tugon sa mga residente ng Capulong Street sa Tondo, Maynila, na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at pagtutol matapos na kumpiskahin ng mga tauhan ng MMDA ang ilang kagamitan na ginagamit nila sa kanilang pagtitinda.

Ipinaliwanag ni Go na mayroon silang patakaran na pinapayagan ang mga residente na bawiin o kunin ang kanilang mga paninda na nakumpiska, at ang mga mesa o upuan lamang na ginagamit bilang bahagi ng kanilang pwesto ang kanilang kinukumpiska at inaalis sa bangketa.

Idinagdag pa niya na ang patakarang ito ay malinaw na patunay na ang pangunahing layunin ng MMDA ay ang linisin at gawing maayos ang mga bangketa para sa mga naglalakad,

Hindi aniya nila layon na sirain o ipagkait ang kabuhayan ng mga residente na umaasa sa pagtitinda sa bangketa upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.