Ibinunyag ng dating pangulo ng Philippine National Oil Company (PNOC) na si Eduardo Mañalac na ilang bilyong pisong kita ang nasayang sa gobyerno mula sa Malampaya gas field.
Sinabi nito na dapat hindi hinayaan ng gobyerno na ikontrol ni Davao-based billionaire Dennis Uy ang nasabing gas field.
Ito aniya ang malaking hinihintay ng mga national oil companies gaya ng mga maliliit na bansa na mayroong langis ay isang malaking oportunidad para sa kanila.
Base sa kaniyang pagtaya ay mayroong kinikita na P45.5 bilyon at base sa 10 percent ng PNOC ay hindi bababa sana sa P4.55 bilyon ang kita kada taon.
Magugunitang nahaharap sa kasong graft sina Uy at Department of Energy Secretary Alfonso Cusi dahil sa Malampaya deal.
Mariing itinanggi naman ni Cusi ang alegasyon at tinawag itong isang harassment dahil ang Malampaya deal ay dumaan sa tamang paraan.