Nanguna na ang United States sa buong mundo na may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa World Health Organization (WHO) mayroon ng 82,174 cases ang US habang nasa 1,177 naman ang mga nasawi.

Sa nasabing bilang 1,864 ang gumaling mula sa deadly virus.

Pumangalawa ang China na may 81,285 ang kaso habang 3,287 ang nasawi at 74,051 ang gumaling.

Nasa pangatlong puwesto ang Italy na pumalo na sa 80,589 ang kabuuang kaso na mayroong 8,215 ang nasawi at 10,361 ang nakarekober.