Tiniyak ng White House na kanilang agad ibibigay ang tulong sa mga nabiktima ng Hurricane Laura.
Sinabi ni US President Donald Trump, na nakipag-ugnayan na ito sa mga opisyal ng Louisiana at Texas.
Sa pinakahuling taya kasi ay nag-iwan ng apat na katao ang patay dahil sa malakas na pag-ulan at hangin na dala ng Hurricane.
Tuluyan ng humina at naging tropical storm ang Hurricane Laura matapos na mag-landfall sa Louisiana.
Ayon sa National Hurricane Center, mayroong lakas na lamang ang nasabing bagyo ng 70 mph mula sa pagiging category 4 hurricane na mayroon lakas ng hangin ng 150 mph.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Louisiana State Police Emergency Services Unit (ESU) sa nangyaring leak sa BioLab chemical manufacturing facility sa Westlake, Louisiana.